Visit Stache



Fashion & Beauty - Top Blogs Philippines
 

Tuesday, March 22, 2011

Noon, Ngayon, at Bukas


Mga mata ay may katotohanan.
Tingin na nahihiya at nagbibigay respeto.
Labi na tila may kagustuhan ngunit may pagaalinlangan.
Posturang may dignidad pawang kay tigas ngunit may itinatagong lambot.
Wikang may prinsipyo ngunit may lambing.
Isip na bukas ngunit tama lang para makipagtagpo.
Pusong tila may dinidikta ngunit walang pangako.

Mayroon ngunit tila wala.
Masaya ngunit hindi lubos.
Naghahangad ngunit hindi umaasa.

Gumagabay ngunit walang kasiguraduhan

Wala noon
Meron ngayon
Meron pa rin kaya bukas?

0 comments to “Noon, Ngayon, at Bukas”

Post a Comment